Sa isa namang resto, magkakasama sa isang table ang mga staff ng isang tv show at ang kilalang aktres.
Dumating si yayamaning aktor at nakita ang mga taga-showbiz na staff at si actress.
Sabi ni yayamaning actor, siya na ang bahala sa babayaran. Part owner pala siya roon.
Ayaw sana nila. Kaya lang, mapilit si yayamaning actor. Umokey silang lahat at nagpa-salamat.
Nang tatayo na sila at magpapasalamat sana ulit kay yayamaning actor, nakita nila ito na palabas na ng resto at nagmamadali pa.
Paalis na ang grupo nang harangin sila ng waiter. Hinihingi ang bayad nila.
Tulaley ang lahat.
Sinabi nilang inako ni yayamaning actor ang bayarin sa kinain nila.
‘Yun pala, walang ibinigay na bayad at parang bulang nawala si yayamaning actor.
Si actress na ang nagbayad para hindi sila mapahiya.
Sabi ni actress, huwag sanang magkrus ang landas nila ni yayamaning actor dahil sasampalin niya ito.
***
ACTOR, laging nagmamadali. Busy-busy-han kasi siya sa mga business niya.
Rags-to-riches ang drama ni kuya sa showbiz. Dahil gwapo at may talent, nakilala agad siya sa showbiz.
Nagkaroon agad ng tv shows & movie projects, shows here & abroad.
Nagka-award na rin. Yumaman. Nakilala ang mga rich, famous & powerful.
Maabilidad si kuya. Madiskarte. Nagamit niya ang friends niyang madadatung para yumaman siya.
Ilang taon lang, super-rich na siya. Kahit marami na siyang pera, hindi niya maiwan-iwan ang showbiz.
Tumatanggap siya ng mga guesting & taping. Pati movie, nabibigyan niya ng oras.
Sa taping ng isang talk show, guest si yayamaning aktor at isang gay comedian.
2:00 PM ang call time niya. ‘Yun ang ni-request niya. Manggagaling pa kasi siya sa miting.
After the meeting, diretso na siya ng naturang taping.
Kaya ‘yung gay comedian, 3:00 PM ang calltime.
Dumating ang beki comedian nang 2:30 PM. Nagpa-make-up agad-agad.
Si yayamaning aktor, wala pa.
Ang host, chumichika na ng mga VTR segment ng show.
In-intro na si yayamaning actor pero waley pa si kuya.
3:30 PM na, wala pa rin si actor.
Hanggang sinabi ni direk na imbutido na ang host dahil wah pa si actor.
Portugal …. TAGALog Ilang-Ilang Productions ang paghihintay kaya si bading na comedian na lang ang unang iinterbyuhin.
Binigyan si gay comedian ng mikropono. Ipinasok na ang VTR intro nito nang humahangos si yayamaning aktor kasama ang alalay, handler at RM (road manager).
Chinika ni aktor ang EP na siya na agad ang isalang dahil may lakad pa siya.
Ayaw sana ng buong staff pero halos lumuhod si actor na kailangan niyang umalis agad.
Kinausap si bading na comedian. Umokey ito dahil OA na OA si actor.
Ang ending, pumayag ang lahat pati si host.