Yayamaning facemask, silat sa San Juan

Nasabat ng mga awtoridad sa San Juan City ang disposable N95 mask na pinalobo ang presyo.

Sa report ay tinatayang nasa P1 milyon ang halaga ng nakumpiskang yayamaning facemask matapos magsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad.

Sa nasabing operasyon ay nadakip ang dalawa katao na responsable sa paglalako ng pinamahal na presyong N95.