Yee, Davao Occ tinambakan ang Bulacan

Yee, Davao Occ tinambakan ang Bulacan

Mga laro ngayon:
(Muntinlupa City Sports Center)
4:00 pm – Bacolod vs. Bataan
6:30 pm – Makati vs. Pasig
8:30 pm – Muntinlupa vs. Valenzuela

Inararo ni ex-pro Mark Yee at Davao Occidental Tigers Cocolife ang Bulacan Kuyas, 91-75 sa unang laro Lunes ng hapon sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims sa Batangas City Coliseum.

Pasabog ang former Philippine Basketball Association journeyman ng 18 points, 10 rebounds at 4 assists para bidahan ang four straight wins ng Mindanao-based squad.

Umakay rin sa pagsakmal ng Tigers sa Kuyas si Marco Balagtas na bumakas ng 15 markers at 3 boards para makipkip din ang Group B South Division leadership sa overall 15-2 win-loss record.

Dalawa pang Davaoeño ang mga sumaklolo kina Yee at Balagtas ng ang nagpasiklab rin ng twin digits — Billy Robles na may 10 pts. at 5 rebs., at Richard Albo na naka-11 puntos at 8 rebs.

Wala namang nagawa ang game-high 19 points ni Adven Diputado upang ibalik na sana ang Bulacan sa winning column na bumagsak sa 9-7 at pagkatengga sa Group A North Division.

Maging ang mga tulong nina Jhan Mchale Nhermal, Dennis Gabriel Santos at Gwynee Mattew Capacio na 13 at tig-10 pts., ayon sa pagkakasunod, sa pagkasadlak sa pangalawang sunod na tilapon ng Bulakeños.

Ang iskor:

Davao Occidental Tigers Cocolife 91 – Yee 18, Balagtas 15, Albo 11, Robles 10, Ludovice 9, Forrester 9, Saldua 7, Bonleon 6, Adormeo 2, Mocon 2, Raymundo 2, Custodio 0, Calo 0, Lamocha 0, Dumagan 0.

Bulacan Kuyas 75 – Diputado 19, Nermal 13, Capacio 10, Santos 10, Dela Cruz 8, Arim 7, Alabanza 4, Siruma 2, Taganas 2, De Mesa 0, Mendoza 0, Antipuesto 0, Burton 0, Alvarez 0, Escosio. (Aivan Episcope)