INILAHAD nina Mo­ther Lily at Roselle Monteverde ang mga naka-line up na projects ng Regal Entertainment.

Kapansin-pansing mga Kapamilya stars ang karamihang bida.

Mukhang maayos ang pag-uusap ni Mo­ther Lily at ng mga taga-ABS-CBN 2.

Ang iba ay co-production sa Star Cinema Films, kagaya nitong pelikulang Once in a Lifetime nina Pio­lo Pascual at Yen Santos.

Tinanong namin si Mother Lily, bakit pawang mga Kapamilya stars ang kinukuha niya. Nahirapan ba siyang makipag-deal sa GMA 7?

Ang alam lang naming Kapuso na pumirma sa Regal ay si Derrick Mo­nasterio pero wala pa kaming balita kung ano ang pelikulang gagawin niya.

Sabi ni Roselle, may pelikula sila kay Ai Ai de las Alas, ang Mighty Yaya. Pero marami talagang Kapamil­ya stars ang binigyan niya ng break.

Bakit hindi ang Kapuso stars?

Hindi na kami sinagot ni Mother Lily. Alam daw namin kung bakit. Kaya nanahimik na lang kami.

Kamakalawa ay pumirma na sa Regal si Yen Santos kasama ang isa pang Kapamil­ya teen star na si Devon Seron.

Sabi ni Roselle sina Yen at Devon ang ilan sa Regal Millennial Babies. Mukhang marami pa silang papipirmahin mula sa Kapamilya network.

Excited si Yen sa pagiging Regal Millennial Baby niya dahil nga­yon lang siya nabigyan ng chance na makagawa ng pelikula.

Feeling niya, napa­kasuwerte ng 2016 para sa kanya dahil ang da­ming ‘first’ na nangyari sa kanya.

First time niyang magbida sa isang pelikula, first time niyang maka-partner si Piolo Pascual, at first time rin niyang mag-abroad.

Nag-shooting sina Yen at Piolo sa New Zealand para sa pelikulang Once in a Lifetime.

Kinikilig si Yen nang napag-usapan na namin si Piolo.

Sampung araw silang nag-shooting doon, pero nasa 4th day na sila na­ging kumportable sa isa’t isa dahil nahihiya siya sa kanyang leading man.

Ani Yen, “Nu’ng una hirap na hirap po ako. Nadi-distract ako dahil sobrang guwapo niya.

“Siyempre na-starstruck po ako dahil Piolo Pascual naman ‘yun.

“Before naman kami nag-shoot, hindi kami nagkaroon ng bonding para makapag-usap.

Nagkita na lang kami sa set na. Sobrang naninibago ako.

“Hindi ako makatingin sa kanya. Sabi ko na lang, kailangan ko kayanin. Mixed emotions na ‘yun, eh.

“May ilang, may kilig, may starstruck at nahihiya pa ako sa kanya.”

Kuwento pa nga ni Yen, inabot ng limang takes ang simpleng eksenang nagtitigan sila ni Pio­lo dahil nahihiya siya talaga.

Bago sila naghiwalay sa New Zealand, nagkapalagayan na sila ng loob dahil napakabait ng aktor sa kanya.

3 Responses