Yen, palagay agad ang loob kay Piolo

Piolo Pascual

EXCITED si Mother Lily na ipinakita sa amin ang ilang pictures na kuha sa shooting nina Piolo Pascual at Yen Santos sa New Zealand.

Nagsimula nang mag-shoot doon ang pelikulang Once in a Lifetime na pagbibidahan nina Pio­lo at Yen na dinidirek ni Dondon Santos.

Ang gaganda ng mga location at bagay na bagay ang napaka-romantic na lugar sa kuwento at mga kilig-kiligang scenes nina Piolo at Yen.

Naloloka lang si Mother dahil ang taas ng expenses nila sa shooting doon sa New Zealand.

“Yun na ang pinakamahal na shooting abroad,” bulalas ni Mothe­r Lily.

Pero sa ganda ng location, okay lang daw na gumastos basta maganda ang kalalabasan ng pelikula.

Nabanggit din namin kay Mother na exciting din ang paggawa ni Piolo ng pelikula sa Regal, pero hindi namin ganu’n kakilala si Yen Santos.

Sabi ni Mother, personal choice ni Piolo si Yen na maka-partner niya. Kaya wala silang problema sa set at nagkapalagayan agad sila ng loob.

***

Hindi na sumama si Mother Lily sa New Zealand. Mas type daw niyang dito siya mag-birthday. Kaya aligaga siya sa paghahanda sa kanyang 77th birthday.

Sabi ni Mother Lily, 77 years old na siya sa darating na Biyernes, pero 78 na raw ‘yan sa Chinese.

Kaya next year ay bale 79 na siya, pero hindi raw ‘yan binibilang.

Bale lalaktawan na naman niya ng isang taon para i-celebrate ang 80th birthday.

Diyan daw siya magse-celebrate nang malaki. Iyun ang pagha­handaan niya nang husto.

Itong kaarawan niya sa Biyernes ay may salu-salo rin siya kasama ang pamilya, close friends, mga nakatrabaho niya, at Regal babies na love na love pa rin niya.

Maraming ikukuwentong trivia si Mother sa kanyang buhay na gustong ibahagi sa invited guests.

Gusto rin niyang magpasalamat sa invi­ted guests na itinuturing niyang napagkautangan nang loob.

Mas gusto ni Mother na good vibes lang at wala nang dadalhing sama ng loob o galit sa kapwa ngayong 77 o 78 years old na siya.

Happy birthday, Mother Lily!