Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — Rain or Shine vs. NLEX
7:00 pm. — GlobalPort vs. Phoenix
Pagkatapos takasan ang GlobalPort noong Biyernes, hahamunin ng Rain or Shine ang dating kasanggang si coach Yeng Guiao at NLEX mamaya sa Smart Araneta Coliseum.
Dalawang free throws ni Raymond Almazan sa endgame ang sumagip sa Elasto Painters para maitakbo ang 98-96 decision kontra Batang Pier.
Sa nightcap ng PBA Governors Cup twin bill ay babalik ang GlobalPort para sagupain ang Phoenix.
Matikas na sinimulan ng Road Warriors ang kampanya sa season-ending conference nang idemolis ang Alaska 112-104 noong Miyerkules, sinundan ng 100-93 dominasyon sa Kia nitong Sabado.
“NLEX is playing so well. Their players are starting to understand the system of coach Yeng and they have an import who fits them. It’s gonna be a hard game,” ani Caloy Garcia, pangunahing aasahan si JD Weatherspoon na may 25 points at 15 rebounds sa debut game.
“We just have to be consistent. We have to control the boards and limit their shots,” pahabol pa ng E-Painters coach na huhugot pa ng puwersa kina Almazan, Beau Belga, Jay Washington, Maverick Ahanmisi at Chris Tiu.
“They are a tall, balanced team with a lot of seasoned players. We will be severely tested,” pakli ni Guiao, itatapat sa dati niyang kampo sina Aaron Fuller na nag-a-average ng 27 points at 19.5 rebounds, Asi Taulava, JR Quinahan, Larry Fonacier, Carlo Lastimosa at Kevin Alas.
Gaya ng Road Warriors, asinta rin rin ng Phoenix ang third consecutive victory laban sa Batang Pier na magpaparada ng bagong import kay Murphy Holloway, pumalit kay Jabril Trawick.
Pinasibat na rin ng Star ang reinforcement nilang si Cinmeon Bowers na papalitan ni 21-year-old Malcolm Hill na produkto ng University of Illinois.
Matatasahan si Hill kontra Alaska sa Biyernes sa pangalawang laro ng Hotshots pagkatapos ng 103-86 victory sa Blackwater noong Linggo.