Yeo petmalu, Mighty pinalapit sa titulo

Yeo petmalu, Mighty pinalapit sa titulo

Tuloy ang bagsik ng Mighty Sports Apparel-Go for Gold Philippines sa 41st William Jones Cup 2019, tinambakan ang Indonesia 94-66 sa Xinzhuang Gym sa New Taipei City Biyernes ng hapon.

Ikaanim na pagragasa na ito ng MSA-GFG PH sa gayung daming laro para lumapit sa korona, na huling pinagwagian ng Pilipinas taong 2016 via 8-game sweep.

Pagkalipas ng dalawang araw na pahinga pagkadispatsa sa South Korea nitong Martes, balik trabaho ang mga import ng Mighty na sina Renaldo Balkman at Eugene Phelps.

‘Di rin nagpahuli ang Filipino veteran na si Joseph Yeo na pasiklab ng 14 markers at 2 assists.

Sa simula pa lang ay kontrolado na ng Mighty Sports ang Indonesians sa pagtarak ng 15 puntos na kalamangan sa halftime ng laro, 45-30.

Kailangan na lang talunin ng Mighty Sports ang Taiwan-A ngayong Sabado para makuha ang titulo. (Aivan ­Episcope)