Yes vote sa BOL namayani sa Cotabato

Nagsalita na ang mamamayan kaya dapat sumunod sa kagustuhan ng nakararami.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo makaraang manaig ang ‘yes’ vote sa Cotabato City kaugnay sa katatapos na plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Panelo nagagalak ang Palasyo dahil nanalo ang ‘yes’ vote sa lungsod, batay sa complete subalit unofficial tally ng Commission on Elections (COMELEC).

Sinabi ni Panelo na lahat ng mga major player sa katatapos na plebisito ay dapat ng magkaisa para sa ikatatagumpay ng adhikaing magkaroon ng maunlad at mapayapang Mindanao.

“The sovereign people have spoken, those who are against the BOL must yield to the rule of the majority. All the major players, pro and con, must now come together and work together for the success of the common aspiration of the Bangsamoro people, which is to have a progressive and peaceful Mindanao,” ani Panelo.