YLONA GARCIA, Next Teen Superstar

Ylona Garcia

Sa edad na 14, taglay na ng Pinoy Big Brother 737 Teen 2nd Big Placer na si Ylona Garcia ang mga katangian ng isang pop superstar.

Noong Hulyo, nag-perform siya sa digital concert para sa music portal ng ABS-CBN na OneMusic.ph.

Doon niya opisyal na inilunsad ang kanyang debut album sa Star Music.
Tinagurian tuloy siya bilang Next Teen Superstar.

Sa album niyang My Name is Ylona Garcia, masisilayan ang isang Ylona na handang patunayan ang kanyang ta­lento sa pagkanta at paggawa ng musika.

Laman ng naturang album ang siyam na pop love at inspiratio­nal youth songs.

Nakaka-LSS ang carrier single na Dahan Dahan Dahan Lang.

Komposisyon ni Ylona ang Don’t Say Goodbye, ang self-empowerment anthem na Win the Fight, at ang bubblegum gem na Each Day.

Kapansin-pansin ang versatility ng boses ni Ylona sa album.