Ynez nagreklamo sa NBI ng online libel

Pormal na naghain ng reklamo si Ynez Veneracion na cybercrime/ libel sa National Bureau of Investigation, kahapon, laban kay Brunei-based businesswoma­n Kathely­n Dupaya. Ito ay sa opisina ni Chief Ma­nuel Eduarte ng Cybercrime Division. Kasama ng aktres ang kanyang lawyer na si Atty. Paolo Lim.

“Kailangan kong gawin ito para matigil siya sa kakapanira sa akin. Mas­yado akong na-damage sa mga ginawa niang pagpo-post sa social media na nilagay pa ang pangalan at photo ko,” deklara ng sexy actress.

“Sa July babalik ako pero kasama ko na grupo,” dagdag pa niya.

Maghahain pa rin daw siya ng isa pang malaking case laban kay Dupaya na si Atty. Ferdinand Topacio naman ang hahawak.