Positibo si Marestella Torres-Sunang na ang mabuting kundisyon na hatid ng high technology training, kasama ang yoga exercise, ang magkakaloob sa kanya ng pinakamagandang performance sa record third stint sa susunod na buwang Olympic Games sa Rio de Janeiro.
“Sa kondisyon ko ngayon goal ko ang makapasok sa Finals,” deklara ng 35-year-old long jumper na tubong San Jose Negros Occidental, kumampanya na rin sa 2012 London at 2008 Beijing Olympics. “Yung yoga malaking tulong sa flexibility ko dahil nagkakaedad na ako. Mas flexible, i was injury.”
Lumagak lang si Torres-Sunang sa 35th place sa Beiijing sa qualification sa 6.17-meter jump.
Umangat siya sa 22nd sa London sa 6.22 effort. Nakalaro lang siya sa parehong kumpetisyon via wildcard entry.
Nag-qualify siya sa Rio Olympics sa pagkakataong ito sa bisa ng pamamayagpag sa Kazakhstan National Athletics Championships sa Almaty sa 6.72m, nahigitan ang 6.70 qualifying mark.
Naparehasan ni Torres si Ilongga discus thrower Josephine dela Viña na nakatatlo ring Olympics noong 1965 Tokyo, 1968 Mexico at 1972 Munich.