Isang uri ng fun type na physical activity and yoga ay ang Aerial Yoga o ang Anti-gravity. Ito ay kombinasyon ng traditional yoga asanas, acrobatics, at dance moves sa ere gamit ang yoga hammock o yoga swing. Tiyak na tatagaktak ang iyong pawis sa ganitong porma, labis itong nakaka- relax.

Sa simula, maaring matakot kang subukan ang ganitong physical activity.

Katulad ng ibang uri ng physical activity ang Aerial Yoga ay ligtas hangga’t matuto ka at mag-practice hangga’t ginagabayan ng certified instructor at siyempre medically cleared para gawin ito. Ano nga ba ang mapapala natin sa type of exercise na ito? Ako ay nahilig dahil sa dalawang bagay: Una, therapeutic benefits at workout. Suspension from the hammock eases pressure on your body. It decompresses your spine by creating space in your joints while you are upside down. I have S-shape scoliosis and my spine gets compressed with gravity alone kaya naman it helps alleviate my back pains when I go upside down. Magandang opportunity ito to practice asanas that you found difficult practicing on ground tulad ng inversions like headstand. There will be no pressure on your head and spine, kaya maiiwasan ang neck and back pains. Bukod sa therapeutic and relaxing aspect nito, pwede kang magpractice ng buong yoga flow just like what you do on your mat with a little bit of twist doing it suspended. Of course, muscle engagement ay kailangan kaya expect to get stronger. Damang dama ko ang core and upper bodyworkout sa aerial yoga. Tulad ng ibang yoga, hindi mawawala ang stretching part dito at ang breathing. Importanteng ikonekta ang paghinga sa iyong galaw.

Sa simula dahil sa takot, mapapansin mong nagstiffen ang iyong katawan. Subalit kapag nasanay gamit ang paghinga at unti-unti itong gawin hanggang sa ma-enjoy ang ganitong uri ng exercise.
It’s truly fun to be free and flying.I practice this with my son at enjoy na enjoy siya.

Ito ay isang aktibidad na swak ngayong naka-lockdown tayo para kahit nakakulong tayo ay mapapanatili natin ang maayos nating kalusugan.
Let me know your thoughts and feel free to drop me a DM sa IG @thera.peach. Namaste! Stay home, stay safe and healthy!!!