Matagal na rin na nagtapos sa telebisyon ang isa sa big-budgeted Korean drama na “Mr. Sunshine”. Napapanood ito ngayon sa Netflix. Tumanggap na rin ito agad ng ilang awards dahil sa mahusay na pagganap ng cast.
Tapos ang nasabing K-drama sa tvN pero ngayon lang umamin si Yoo Yun Suk. Naglabas siya ng kanyang damdamin. Hindi pala ito confident sa ipinamalas niyang acting. To think na mukhang after Mr. Sunshine, main lead na ang oportunidad na puwedeng dumating sa kanya.
Nagulat ang karamihan sa naging rebelasyon niya sa tvN’s Life Bar. Ayon sa actor, “I have never been this worried and scared about my acting. I was worried that poor acting controversy might erupt.”
Inamin din niyang bago ang unang episode ng Mr. Sunshine na umere, tinawagan pa raw niya ang scriptwriter para makasigurong hindi pangit ang ginawa niyang acting.
“I called the scriptwriter before the first airing. I checked if I’m doing a good job. When I arrived at the sets, all the actors were such good actors. I was so surprised by my co-stars acting.”
Maging ang mga netizen ay nagulat na may naging ganito raw palang alalahanin ang actor. Isa sa mga nabasa naming komento, “Noooo… i love your character more than main lead.. you did awesome work..!!!!
Si Yoo Yun Suk ay nag-debut noong 2003 at marami na rin itong nagawang film, TV shows at variety show. Ilan sa ginawa niya ay ang “Architecture”, “A Warewolf Boy “at “Dr. Romantic.”