Kung sa Pilipinas, puwedeng sabihin na na-‘wow mali’ ang isa sa miyembro ng B.T.O.B., isa sa mga South Korean male boy band na si Yook Sung-jae.

Nag-birthday si Sung-jae noong May 2 at lumabas ang pangalan niya sa online site sa Korea na Naver.com na katabi ang logo na ‘Yook Sungjaenim, Happy Birthday.’

Na-touch si Sung-jae nang makita niya ito at in-assume na ang mga fans niya ang nag-effort para lumabas ang pangalan at birthday niya sa naturang app. Dahil dito, nag-post si Sung-jae ng mahabang pasasalamat sa kanyang Instagram account.

‘Yun lang, tila na-wow mali ito dahil ang naturang banner ng birthday niya ay hindi dahil sa mga fans. Kahit sino raw ang naka-logged sa Naver app at birthday nito ay automatic na lumalabas.

Nahiya si Sung-jae sa ginawa niya, pero sinabi na natuwa pa rin siya and made him happy.

Tila nakabawi naman ito dahil sa SBS’ variety show na Master In the House, totoong sinorpresa na siya ng mga co-star na sina Lee Sang-yoon, Yang Se-hyung at Lee Seung Gi.

Si Sung-jae ang pinakabata o maknae sa grupo kaya tuwang-tuwa ito sa gesture ng mga co-star.

“Thank you so much for the birthday party that the ‘Master in the House’ production team prepared for me. Please tune in to ‘Master in the House’ that starts at around 6:20 or 6:30 p.m. on Sunday nights. Ha.”