Yook Sungjae bagong leader ng BTOB

tonite-annyeong-rose-garcia

Sa tuwing magkakaroon ng game sa kung sino ang magiging “maknae” ng grupo, si Yook Sungjae, pala­ging natatapat ang wheel sa kanya tuwing mag-i-spin.

Dahil pumasok na sa military ang pinaka-leader ng BTOB na si Eunkwang, sa ikatlong pagkakataon at sa 7th anniversary ng grupo, during their V Live ay idi­naan nila sa game ang pagpili ng bagong leader­ at maknae. Ang maknae ay ‘yung pinaka-bunso ng grupo. Siya ang inaasahang mag-a-assist sa leader.­

Sa pagkakataong ito, si Sungjae na ang bagong leader. Sobrang ikinatuwa naman nito at nangakong manlilibre pa ng dinner the following day. Sey niya,”I will lead BTOB well until Eunkwang returns.”

May message naman ang original leader na si Eunkwang kay Sungjae na, “Enjoy it while I’m gone. Enjoy it now.”

Mga Indonesian fan ni Seungri tinuligsa

Araw-araw ay laman ng balita si Seungri dahil sa mga scandal na kinasangkutan niya. May kinalaman ito umano sa prostitution, illegal filming, habitual gambling abroad, drugs at bribing officers at iba pa.

Officially delayed na rin ang pag-i-enlist niya sana ngayong buwan na ito sa mandatory mi­litary service. Ni-request din ito ni Seungri habang hindi pa tapos ang police investigation at mga kasong isinasampa sa kanya.

Sa kabila ng pagreretiro ni Seungri sa entertainment at sa kabila ng mga pagtuligsa sa kanya ng netizens mapa-Korean o non-Koreans man, may ilang VIPs (tawag sa fan ng BIGBANG) ang may pananalig pa rin sa kanya.

Ilan sa mga ito ay ang mga tagahanga niya sa Indonesia. Supposedly, noong March 17 sana ang The Great ­Seungri Tour in Jakarta pero dahil nga sa scandal, kinansela na ni Seungri. Hindi man natu­loy ang concert, dumating pa rin sa venue ang mga fan niya para ipakita raw ang suporta sa kanilang K-pop idol.

Naniniwala raw sila na inosente si Seungri sa lahat ng krimen na ibinibin­tang dito hangga’t hindi talaga lumalabas ang hatol na guilty nga siya. Dahil dito, hindi na lang si Seungri ang nakatatanggap ng mga negatibong komento at pangba-bash. Tinutuligsa na rin ang mga Indonesian fans sa patuloy pa rin na pag-ido­lo raw kay Seungri.

Sey pa ng isang comment, “Lmao y’all support that criminal who sells womens, putting drugs on them for sex and money.­ Ooof can’t be me.”

Jun Joon Young nakakulong na

Pagkatapos na makatanggap ng warrant of arrest, balitang nakakulong na raw sa Seoul Southern Detention Center ngayon ang singer/variety member na si Jun Joon Young.

Pagkatapos ng isinagawang police investigations sa kanya, ilang araw lang ay nakatanggap na ito ng warrant of arrest. Balita rin na nasa bahay niya ito sa Chungdam neighborhood nang matanggap ang warrant of arrest.

Base sa report ng soompi.com: “A holding cell at a police station temporarily places people who have been arrested by the police, until there is an arrest warrant issued. However, a detention center holds official suspects whose investigations and trials are ongoing, but they have not received a final sentence from court.”

Ang private chat room ang krimen na kina­sangkutan ng idol na diumano’y isinasagawa nito ang illegal filming, prostitution at bribing a police officer.

Bukod pa rito ang alegasyon na tumatanggap daw ito ng prostitution services bilang regalo mula sa daring­ Yuri Holdings CEO na si Yoo In Suk. Ginagamit din umano ang koneksiyon niya sa pulis para mawala ang mga ebidensiya ng diumanoy illegal filming niya rin sa ex-girlfriend noong 2016.

Jung Hae In, Han Ji Min magsasama sa drama

Ang “Spring Night” ng MBC ang bagong drama ng South Korean actor na si Jung Hae In. Follow-up niya ito sa successful drama niyang Something in the Rain.

Kung sa Something.. si Son Ye Jin ang kilalang aktres na nakapareha ni Jung Hae In, sa Spring Night ay ang South Korean actress na si Han Ji Min naman.
Same writer and director ng Something in the Rain ang hahawak sa Spring Night. Romantic drama rin ito kunsaan, nagkita sila one spring night na nauwi na sa love.

Nagkaroon na ng script reading at sa May na ang pilot telecast ng drama. Happy naman ang director na si Ahn Pan Suk sa script reading pa lang ng cast.

Sey nito, “Hearing the rehearsal, everyone was flexible and did well, so I feel relieved. You did it well and realistically.”