Yoona dinaya sa botohan

tonite-annyeong-rose-garciaNagkakagulo pala ngayon ang ilang fandom ng Girls’ Ge­neration leader at tinaguriang “National Goddess” na si Yoona dahil sa paniniwala ng mga ito na dinaya ang mga boto nila.

Si Yoona o si Im Yoona ang pinaka may maraming boto sa 2018 Asian Artist Awards na gaganapin ngayong November 28 sa South Korea. May tatlong stages kasi ang pagboto sa AAA at sa huli, kailangan na ng Starple App. Kunsaan this year, biglang puwede ng mag-purchase ng boto ang mga fan.

Ang bulk ng boto ni Yoona ay galing sa mga fan nito mula sa China bukod pa sa boto ng mga individual fan niya. May ebidensiya raw ang ilan sa mga fan ni Yoona na tila hindi coun­ted ang boto nila o ang biglang pag-drop ng votes nito para sa kategoryang Best Actress Popularity Award.

Galit na galit ang mga fan at nagsasabing ibo-boycott nila ang AAA lalo na kung hindi ito maglalabas ng maliwanag na explanation sa nangyari. Sinubukan na nilang ku­nin ang atensiyon ng organizer pero tila dinededma lang daw ng mga ito ang isyu.

Kaya nagti-trending lalo na sa Twitter ang hashtag na AAACheat.

Two consecutive years na nanalo sa naturang kategorya si Yoona mula 2016 at 2017, pero ngayong 2018, after being leading in the votes, biglang naungusan si Yoona ng isa pang sikat na singer/actress na si IU naman.

So, let’s see kung hanggang saan aabot ang boycott na ito ng mga fan ni Yoona. At kung darating ba ang SNSD member sa awards night dahil isa ito sa mga nauna nang kinumpirma ng AAA na siguradong dara­ting sa awards night.

Anyway, ang Asian Artist Award ang isa sa much-awai­ted awards night sa Korea dahil sa power nito na makapagpapunta ng halos karamihang sikat na South Korean stars.