Yorme Isko bet mahawa kay Vico

Yorme Isko bet mahawa kay Vico

NI: ROMMEL PLACENTE

HANGA si Yorme Isko Moreno sa kapwa niya mayor na si Vico Sotto. Ito ay dahil sa magandang serbisyo-publiko na ipinapakita ng binata ni Vic Sotto sa kanyang constituents sa Pasig City. Mabango si Vico ngayon sa diskarte niya sa community quarantine sanhi ng banta ng Covid -19.

Sabi ni Yorme Isko kay Vico,”Matalinong bata ‘yun, magaling.”

Ayon pa kay Yorme, sana raw ay mahawaan siya ng talino ni Mayor Vico.

“Gusto kong gamitin ‘yung talino niya minsan, eh. Sana maambunan tayo ng konti. Ako naman kasi, kapag may ginagawang maganda, gusto ko rin kinokopya, eh. Basta sa buhay,lalo na sa pamamahala, puwedeng mangopya.”

Biro pa ni Yorme, basta huwag lang daw ‘yung assignment o examination ang kinokopya.

“Huwag ninyong gagayahin ‘yun,”aniya pa na natatawa.