Matapos bakbakan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling pagbi­sita sa Marawi City si ­Senador Grace Poe ay muli na naman itong ­nakatikim ng pasaring kagabi mula sa Pangulo.

Sa panayam ng Mala­cañang media kagabi kay Pangulong Duterte matapos ang pakikipagpulong kay US Secretary of State Rex Tillerson ay sunud-sunod na banat ang inabot ng senadora kay ­Pangulong Duterte.

“Lahat naman may depekto. Ikaw anong depekto mo?

Ikaw ang lakas mong manigarilyo, hindi alam ng Pilipino. Ang lakas mong uminom ng brandy. Totoo lang, ‘yan ang sikreto mo. Ako walang sikreto. Binubuga ko lahat. Sanay ka kasing mag-ano sa akin. You admonish me as if you are the mother. Motherhood ano ka kaagad,” banat ng Pangulo kay Sen. Poe.

Muli ring naungkat ng Pangulo ang paghaharap nila ng senadora sa nakaraang halalan.

“Kung gusto pala nila ng disenteng babae,­ e ‘di sana nanalo ka. Ikaw ‘yung popular, may pera. Ikaw ang blessed ng simbahan,” sabi pa ng ­Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na kung gustong senadora na bantayan ang kanyang bunganga, gawin niya pero huwag siyang pakialaman.

“Huwag mo akong pakialaman kasi ako nagmumura talaga noon pa,” sabi pa ng Pangulo.

Nauna rito ay binatikos ni Poe si Pangulong Duterte dahil sa pagtawag na gunggong kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nag-ugat naman ang pagtawag ni Duterte kay PNoy nang magkomento itong walang nangyayari sa giyera kontra droga ng gobyernong Duterte.

15 Responses

  1. Ang gusto ni Duterte palakpak at tawa ka lang pag siya ang nagsasalitan walang kokontra. Pag kumontra parang dragon na mumurahin ka at babastusin. Siya ang pinakabastos na Presidente !!!

    1. sinasabi nya lang ang totoo, mga bata nga sa ka kanto 3yrs old pa lng grabe kung makapagmura. dapat lng yan sa mga pinatamaan nya, mga ULOL!….