BAGONG kulo at mainit-init pa! Heto na ang Lavinia Arguelles YOU’LL NE­VER MAKE IT ­Listahan 2016!

Pagkaganda-ganda, statuesque, all mestiza pa man din pero sadly, ang isa sa mga prinsesa sa Singko, ang modern day bathaluman na si Sophie Albert, did not make the cut.

Ang balana at madlang pipol, deadma sa kanya.

Reluctant virgin siya sa #Y kung saan ­lahat ng co-actors ­niya, umariba na ang mga karera.
Siya, neither here nor there pa rin ang stature.

Napag-usapan kahit paano noong nag-break daw sila ni Vin Abrenica pero parang hindi naman dahil magkahawak-kamay sila sa isang mall very recently.

Kahit mesticilla ka at artistahin talaga, sorry Sophie, ang hatol sa iyo ni Ms. Lavinia… YOU’LL NEVER MAKE IT!

***

Hindi kagandahan, hindi rin ka-charmi­ngan, lalong hindi katangkaran pero nanatili sa puso at puson ni Edgar Allan Guzman… si Shaira Mae.

Isa sa mga prinsesang walang trono mula sa Singko. May kung anong taglay na pambihira kaya si EA eh haling na haling sa dalaga.

Matuk n’yo, may isang press payanig ang isang pelikula ni Guzman dati na inurong ang date, kasi, nagtatampisaw ang mag­sing-irog sa La Isla Bonita that is Boracay.

Ganda mo, neng!

Dahil literal siyang bubog sa karera ni Edgar, at walang nanalig na she can be a major, major starlet… alam na alam na, tili ni Lavi­nia na walang sound, ­SHAIRA, YOU’LL NEVER MAKE IT!

***

Alex Gonzaga
Alex Gonzaga

Ang isang feeling prin­sesa dahil ang sister niya ay feelingerang-feelingerang big showbiz star na… si Alex Gonzaga.

She is the flashiest pan this side of the planet.

Marami ang nanalig na she already has what it takes to be as equally “big” as her ate Mrs. Toni Soriano kaya ayun, nag-one time big time concert siya kung saan ipi­namudmod ang free tic­kets para mapuno ang venue.

Walang ka-bounce-bounce ang My Rebound Girl na takilya poison.

Hindi nakatulong ang super kiyeme latik na linking sa kanila ni ­Joseph Marco.

Ngayon, she has a non-showbiz boyfriend.

Dahil sila-sila na lang na mga Alexians at Alexnatics ang nanalig na she is still so freaking in, without blinking an eye, ang hatol ni Bb. Arguelles, YOU’LL NE­VER MAKE IT!

You had your chances but you blew them!

***

Baron Geisler
Baron Geisler

Mahusay na aktor. Award winner pa nga, pero of epic proportions ang tales of intoxication niya… si Baron Geisler.

Laging pinapatawad. Kasi, mahusay talagang aktor.

Laging nangangako na good boy na siya at sober pero hindi maiwas-iwasan ang pakiki­paglandian niya sa alak.

Motto niya na at motibasyon ang lumaklak, maghapon at magdamag.

Ang huli niyang kababalaghan, ang pag-ihi sa kapwa artistang si Ping Medina.

Baron, hawak na ni Lavinia ang kopita at ma­lamang isaboy na sa ­fezlak mo ang wine.

Sayang na sayang ka.

Sa mga angas at ­amats mong ‘yan, YOU’LL NE­VER MAKE IT!

***

Noong una, nagnga­ngalngal siya.

Kesyo naghihirap na siya at walang-walang datung. Look to the right ang balana.

Sunod, nagngangawa, nagsusumamo, nagmamakaawa para sa donasyong pinansyal.

Kasi, may sakit ang anak niya. Bilang na raw ang oras nito at siya rin, parang may time bomb sa katawan niya at may chance na getlakin na ni Grim Reaper.

Look to the left ang madlang pipol.

Ngayon, nag-Iingles siya. Mukhang malusog, naka-make up at nagpapaliwanag na hindi siya “scammer”.

Look sa sky ang dabarkads.

She ended it with ­another “great” akting na akting, ngawa kung ngawa performance, cried WOLF in so many times and so many ways.

Ang storyteller na walang naniniwala sa hinahabi niyang mga kuwentong kataka-taka at nakakahibang, pigil na pigil ang nagpupuyos na damdamin ni Ms. Lavi­nia sa iyo.

You know why.

YOU’LL NEVER MAKE IT.

***

Nathalie Hart
Nathalie Hart

Pinakita niya ang “akting” at pudendum niya sa Siphayo, na underperformer sa takilya.

Wagi siya bilang best aktres sa isang pam-barangay na internatio­nal film festival kung saan ang mga tao sa community ang pumili sa winners.

Kung present ka ­during the awards night, more chances of winning ka.

Pinakita na naman niya ang kanyang “akting” at “talent” in cinematic kuyangyangan sa Tisay, kung saan co-performers niya sina Joel Torre at JC de Vera.

Her lines were a “mouthful” that bordered on the obscene.

Ang resulta of the movie sa nasabing festival kung saan ito kasali, “lukewarm”.

Ano pa ba ang dapat gawin ni Princess Snell, na ngayon ay mas infamous being Nathalie Hart para yakapin at mahalin siya?

Well, well, well… maging masaya ka na sa thought na three years in a row ka na sa list.
Two years to go na lang, hall of fa­mer ka na.

Bask in the glory of being the wo­man na tuwang-tuwang si Ms. Lavinia na pamukhaang…

YOU’LL NEVER MAKE IT!