TEEN actor, sinasaktan ng mudra niya!
Bata pa siya nang mag-start sa showbiz. Ngayong teenager na siya at nagkakapangalan na ay knows na siya ng mga nagtitiliang millennials.
Kasabay nang paglaki ng kanyang pangalan ay ganu’n din ang paglaki ng kamao ng kanyang mudrabel.
Sobra ang takot ni jugets sa madir niya. Konting pagkakamali niya, binabatukan siya agad.
Sa isang rehearsal kasama ang ilang kaibigang nyortista at ang girl na crush niya, biglang dumating si mama at tumili nang pagkataas-taas.
Birit Queen ang peg kaya nabulabog ang lahat.
Enter si monster mom at ang kuda, “Magre-rehearsal ba kayo o maglalaro lang?! At bakit nandito ang malanding ‘yan?!” sabay turo sa girl.
Biglang dinagukan ni mommy ang anak at pinaghahampas. Hiyang-hiya si teen actor at umalis na lang kasama ang mudrang gigil na gigil sa galit.
Simula noon, palihim na lang nagkikita ang magbabarkada at inililigaw ang kanyang inang may sapi.
Hanggang kinausap ng management ang parents ni teen actor, lalo na ang nanay nito, na kung may mababalitaang sinasaktan at ipinapahiya ang anak ay ipapapulis siya.