tonite-no-thanks-cristy-fermin

Hanggang nga­yon ay bitbit pa rin ng isang pamosong becking personality ang tropeo dahil sa isang nakawiwindang na pangyayari ilang taon na ang nakararaan. Kung mapusok lang siya ay siguradong may naganap na sa pagitan nila ng isang sikat na male personality.

Hindi niya sukat-akalain na sisikat pala ang aktor, pagkakaguluhan pala ito ng mga kababayan natin ngayon, samantalang dati ay ito pa ang tumatawag sa kanya para magparamdam.

Kuwento ng aming source, “Akalain n’yo ‘yun? Nu’ng struggling actor pa lang kasi si ____(pangalan ng sikat nang aktor ngayon), e, panay-panay ang tawag niya sa becking personality.

“E, sobrang busy niya, saka hindi niya type ang aktor, iba ang panlasa niya. Ayaw niya sa mga brusko, malambot din ang gusto niya, kaya hindi sila nagkaigihan.

“Pero ilang beses na tumawag sa kanya ang hunk personality, nagyaya­yang lumabas, pero ang ending naman nu’n, e, alam na!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Pagkatapos nang ilang taon ay nagulat na lang ang becking personality, marami nang pelikula ang bruskong tumatawag-tawag dati sa kanya, sikat na at pinagkakaguluhan na ng mga becki at kababaihan.

Patuloy ng aming source, “Hindi naman siya nanghihinayang sa chance dahil hindi ganu’n ang type niyang lalaki. Amazed lang siya, kasi nga, sumikat na ang guy na madalas na nagyayaya sa kanya.

“Hindi pa sila uli nagkikita mula nu’ng sumikat na ang aktor. Napapanood na lang niya sa TV ang lalaki, guwapung-guwapo na at mas lumaki pa ang katawan kesa sa dati.

“Pero mabait ang hunk actor na ‘yun, walang kayabang-yabang, kaya kapag nagkita sila, e, isa lang ang sasabihin niya kay becking personality, ‘Ikaw kasi! Tingnan mo, sikat na ako ngayon!’

“Pipila ka na bago mo ako matikman, ganu’n kaya ang ipangbibiro ng sikat na aktor sa becking umayaw-ayaw sa kanya nu’n?” humahalakhak na kuwento ng aming source.

Kathryn nagdala sa pelikula nila ni Daniel

Grabe pa rin ang ginagawang pananalasa ng bagyong KathNiel sa mga sinehan. Hanggang ngayon ay malaki pa rin ang kinikita ng kanilang pelikulang The Hows Of Us, walang pakialam ang mga kababayan natin kay bagyong Ompong, kaya malapit nang maabot ng pelikula ang 700 hundred million mark.

‘Yun ang dahilan kung bakit nu’ng minsan ay naging emosyonal si Kathryn Bernardo. Luha ‘yun ng kaligayahan dahil hindi niya inasahang ganyan pala kalaki ang kikitain ng pelikula nila ni Daniel Padilla.

Bago kumita nang daang milyon sa takilya ang THOU ay maraming pagsubok na dumaan sa dalaga. Hindi man niya masyadong ipinararamdam ‘yun ay alam ng kanyang pamilya at ng mga taong malapit sa kanya na dinaramdam niya ang mga pamimintas na ibinabato laban sa kanya.

Pero napakasimpleng magdala ni Kathryn, ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang lahat, kaya ito naman ang regalong ibinigay sa kanya ng kapalaran. Ang KathNiel lang ang naka­gawa ng ganito katinding marka sa takilya sa lahat ng mga sikat na loveteams ngayon.

Kuwento ng isang kaklase namin sa kolehiyo, “Sis, ang dapat palang na­ging title ng movie nila ni Daniel, e, Letter Under The Ref. Grabe ang iniiyak naming mag-iina sa eksenang ‘yun!

“Sa totoo lang, bigay na bigay ang acting ni Kath, pati ang voice niya, umiiyak! Magaling din si Daniel, pero babae talaga ang nagdidikta ng ikaiigsi at ikahahaba ng isang relasyon.
“Kay Kathryn Bernardo ang movie, ibigay natin ang credit sa kanya, siya tal

aga ang nagdala ng pelikula,” pa­puri pa ng aming kaibigan sa magaling na young actress.