Young actor nagbababad sa condo ng aktres

actor

Hindi talaga namin akalain na ganu’n ka-liberated ang young actress na ito. Bago ang boyfriend niya na ­aktor ngayon ay nagkaroon pala siya ng relasyon sa isa pang aktor na kasama rin sa network.

Kung ‘di raw nabukelya ng ate ni young ­actress na halos sa condo na nito nakababad ang ex na aktor ay hindi pa titigil ang dalawa.

Kinausap din ng management ang young actress at ex na actor dahil at that time din ay kakatatag lamang ng loveteam ni young ­actress sa isa pang aktor.

Pero aminado raw ang ex na aktor ni young actress na minahal niya ito at matagal bago siya naka-move on. (Mildred Bacud)