Rodel Fernando

Masyadong kapansin-pansin ang ginawa ng isang young actor.

Ang senaryo—Break time niya sa taping ng teleseryeng ginagawa. Naisipan niya na biglang hubarin ang kanyang pantalon at damit. Naiwan na lang nitong suot ay parang pekpek shorts na halos lumitaw na ang singit at puwet.

Ang nakakaloka pa ay naghanap siya ng mga bato. Ginawa niya itong parang barbel. As in mistulang nasa gym siya kese­hodang kasagsagan ng taping.

Isa pa, may kainitan ang nahanap niyang puwesto kaya naman pawis na pawis ang buo niyang katawan.

Inisip tuloy ng mga nakakakita na napapraning ba itong young actor? Alam daw ba niya ang kanyang ginagawa? May nagsabi rin na hindi kaya naka-drugs siya? O, baka naman ayaw niya sa gym pumunta at mas gusto niya sa lantad na lugar?