Young actor nagtitinda ng sim card sa Luneta

tonite-this-is-it-roldan-castroMarami ang nagulat nang makita ang isang young actor na nagtitinda umano ng sim card sa Luneta.

Nagtitiyaga siya sa maliit na allowance.

Kung babalik siya sa showbiz mas malaki ang kikitain niya.

Wala namang masama sa pagtitinda ng sim card pero sa estado niya hindi nababagay na ‘yun ang kinabagsakan niya.
Marami ang nanghihinayang sa magaling na young actor.

***
Naghain ang sikat na abogado na si Atty. Ferdinand Topacio ng disqualification case laban sa kaibigang si re-electionist Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa Commission on Elections (Comelec) nu’ng Oktub­re 22 sa Intramuros, Manila.

Si Koko ay kakandidato sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Bagama’t magkaibigang maituturing, pinaliwanag ni Atty. Ferdie na karapatan niya ‘yun bilang isang botante at abogado.

“Magkaibigan kami. Kaibigan ko po siya. Nung kumakandidato siya, sinuportahan ko ang kandidatura niya. Naniniwala ako sa plataporma niya pero this time, kailangan kong ipatupad ang batas sapagkat sinumpaan ko naman ‘yan bilang abogado to uphold and defend the laws of the republic.”

Paliwanag pa nito, nakompleto na ni Pimentel ang kanyang 2 termino bilang senador matapos itong manalo nu’ng 2007 at 2013 polls kaya kung tutuusin, ‘di ito dapat payagan na tumakbo for 2019 midterm elections (May).

Dagdag pa ni Atty. Topacio, “Noong sinabi ng electoral tribunal na annulled ang proclamation ni Zubiri, meaning retroactive, at ang talagang nanalo nu’ng 2013 ay si Sen. Pimentel at hindi si Sen. Zubiri.”

Samantala, at dahil nalalapit na ang eleksiyon, nagdeklara na si Atty. Topacio na susuportahan niya rin ang kandidatura ng dating sexy actress na si Barbara Milano na tatakbong Vice Mayor ng Talavera, Nueva Ecija.

==============

May karapatan si Maria Divine Veranga ng Parañaque City bilang Jewel of the Philippines 2018. Siya ay 25, may taas na 5’7” ay may sukat na 32-24-35.

BS Tourism graduating student si Divine at na­ging Miss Philippines Earth at Miss World Philippines 2018 candidate.