Nag-ikot kami sa isang mall sa Quezon City. Nasalubong namin ang young actor na ito. Nu’ng una ay hindi kami sigurado kung siya dahil naka-face mask pero tinitigan namin nang husto at sure kami na siya si young actor.

Siyempre regular namin siyang napapanood sa telebisyon dahil sa bukod sa serye may isa pa siyang show.

Ikinaloka lang namin na bakit kailangan niya pang mag-face mask sa mall gayung hindi naman ganun katao? Yumuyuko rin siya habang naglalakad na feeling namin ay ayaw niyang ma-recognize siya ng tao at baka nga naman magpa-picture sa kanya at maabala ang pamimili niya.

May mga kasama siyang alalay na nakabuntot sa kanya. Bago ito ay may naririnig na rin kaming kuwento na nagbago na si young actor na kung dati ay magiliw sa fans kapag nagpapa-picture sa kanya, ngayon ay napipilitan na lamang daw.