HINDI ang isyu o tungkol sa project ang pinag-uusapan ng mga reporter na dumalo sa isang presscon kamakailan kundi ang ilong ni guwapong young actor na isa sa nakaupo sa presidential table.
Nakaka-distract kasi ang matangos niyang ilong na halatang pinagawa.
Nagtataka ang mga reporter, bakit pinaayos pa ito ni young actor, eh hindi naman may pagkasarat ang ilong nito.
Hindi siya ganu’n katangos pero hindi naman nakadapa.
Ang tsika ng ilang reporters roon sa presscon, dalawang beses inayos ang ilong niya dahil hindi siya natuwa sa unang gawa. Kaya pinaulit, at iyun ang lumabas.
Ewan kung masaya na si young actor sa ilong niyang ‘yun, eh halata namang talagang inayos.
Joseph Marco, halatang halata pinaayos