Young actor walang kuwentang dyowa

NGAYON ay alam na namin ang dahilan kung bakit break na ang young actress at young actor.

Ayon sa aming reliable source, ang una raw ang nakipag-break sa huli. Hindi na raw kasi ma-take ni young actress ang pagiging mama’s boy ni young actor. Lahat na lang daw kasi ng gusto ng kanyang ina ay sinusunod nito, kahit mali na ang ipinapagawa sa kanya.

Katulad daw nang minsang may pinanggalingan ang dalawa na isang event. Nu’ng maghiwalay na sila, pauwi na si young actor, at si young actress naman ay papunta sa taping ng isang serye.

Nahilo ang na­nay ni young actress, na siyang nagda-drive sa kanya sa lahat ng kanyang lakad. Feeling ng nanay ni young actress ay hindi niya na kayang mag-drive. Sinabi nito sa anak na tawagan na lang ang boyfriend, since hindi pa naman ito nakakalayo mula nang maghiwalay sila, at sabihin na ipag-drive na lang siya. Nu’ng tawagan daw ni young actress si young actor, ang sabi nito’y hindi niya maipagda-drive si young actress, dahil pinapauwi na raw siya ng kanyang nanay. Ang ginawa na lang ni batang aktres, tinawagan ang close friend niya, na isa ring young actress. Nakiusap kung puwede siyang ipag-drive kung free ito. Nagkataon naman na walang showbiz commitment si young actress, kaya pinuntahan ang kaibigan at siya na lang ang nag-drive para rito.

O, ‘di ba, sa isang emergency na pagkakataon ay hindi na­tulungan ni young actor ang dating karelasyon? Mabuti pa itong kaibigan ni young actress, na talagang maaasahan sa lahat ng pagkakataon.

Marami nang ginawang hindi maganda si young actor kay young actress. Nang mapuno na ito, nu’ng deadmahin siya na ipag-drive, ‘yun na ang nag-trigger sa kanya para hiwalayan ang walang kuwentang boyfriend.