Young actress, hinding-hindi matitikman ang luto ng dating ka-love team na young actor

EXCITED na kaya ang isang aktor na kilala sa pagkakaroon ng magandang abs na maipalabas na ang pelikula ng kanyang young actress-girlfriend na kapareha ang isa pang aktor na kasamahan nila sa isang TV network?

Sabi-sabi kasi, once na maipalabas na raw ang pelikula ng kanyang young actress-girlfriend na iba ang kapareha, nakahanda na raw ang kanyang sweetheart na aminin na talaga ang relasyon nilang dalawa.

Although noong hindi pa nagsisimula ang promotions sa pelikula ni young actress na may ibang kapareha ay may mga patama na ito tungkol sa relasyon nila ng boyfriend, ngayon kasi ay kailangan nitong magpaka-‘behave’ dahil nga sa pelikulang ipino-promote.

Eh, malakas din ang hatak ng loveteam ni young actress sa aktor na kapareha niya sa pelikulang ‘yon, kaya hindi muna puwedeng pag-usapan ang not-so-secret na relasyon nila ng boyfriend na may magandang abs.

Anyway, ‘yung isa nga palang naka-loveteam din ni young actress, mukhang suko na na magkakaroon pa ng next project ang loveteam nila dahil nang tanungin namin ito kung willing ba itong ipagluto si young actress dahil nahihilig nga itong magluto lately, ikinagulat namin ang sagot niya na, “Hahaha! She has a boyfriend and I wouldn’t want to send the wrong signal, especially by doing that (na ipagluto si young actress)!”