THE Amnesia Girl! Iyan ang himutok ng beking manager sa alaga niyang young actress.
Tandang-tanda pa ni bading nang makilala niya na neneng-nene si young actress na mala-anghel ang ganda. (PARANG AKO LANG!)
Kinausap agad ni bading ang parents nito at chinikang pwedeng magnyortista ang junakis nila.
Noong una, ayaw maniwala ng super parental guardians of the galaxy sa kausap nilang beki dahil sa karakas nito na parang kontrabidang bugbog-sarado ng bida.
Sa bandang huli, pumayag sila.
Ka-join ni angel-faced girl ang mudra, na-shock sila na kilala si badikla ng mga staff ng TV at ng mga taga-pelikula.
Na kahit ganu’n ang karakas ni vaklah na parang bardagul ay trulili pala ang mga chika nito.
May mga konek nga ito sa showbizlandia at hindi sila ini-scam sa mga kiyeme latik chururut.
Shocking Asia si mother dear na jo-join na sa artista search ang unica hija niya.
Umatungal si dear mama sa sobrang tuwa.
Kahit hindi nasungkit ng anak niya ang title, si angel-faced girl ay nabigyan agad ng serye.
Kahit maliit ang role, OK na ‘yun. Kumikita na.
At ang isa pang nakakatuwa, hindi kuma-cut-tsina si manager na mukhang sanggano ang fez pero busilak ang puso.
Nang lumaki-laki ang kumikitang kabugayan ni bagets, naaabutan na niya si bekibel na mala-Rosa Rosal kung tumulong.
Hanggang nagka-name na si young actress at bumibida na sa mga pelikula at soap opera.
May mga commercial pa. Dumami ang datung.
Yumaman!
Pero ang butihing bading na naka-discover sa kanya habang sumasalok ng tubig, dinedma na for life.
Kung dati ay kasabay ni beki si young actress na lumuluwas sakay ng bus na waaah aircon, ngayon ay hindi na talaga.
May car na si young actress. Tinted ang kotse at malakas ang buga ng aircon.
Tuluyan nang kinalimutan si bading na nakadiskubre sa magandang artista.
Tuwing masasalubong ng mag-ina ang baklitang manager, umiiwas agad sila.
Pero maliit lang ang mundo ng local showbizlandia.
Nagkita silang muli sa isang event.
Dinadaan-daanan na lang nila si bading.
Nang hindi na makaiwas si young actress, sinabihan niya si bading na na may dalang celfone, “Papa-picture po ba kayo?”
Nagulantang ang bakla.
Hindi nakahuma.
Bumanat muli si young actress na confidently beautiful without a heart, “Sige po, mauna na kami. Ano nga po pala ang name ninyo?”
Hindi na sumagot si bading.
Sa loob-loob niya, “Maka-karma ka rin!”