KINUMPIRMA ng isang advertising exe­cutive na binitiwan na ang isang young actress ng isang produktong ineendorso nito.

Hindi naging mai­ngat ang young actress sa pagsagot nito sa isang maselang isyu at biglang nalagay sa alanganin ang kanyang imahe.

Hindi nagustuhan ng ad agency ang mga pahayag ng young actress, na mabilis na kumalat at naging usap-usapan lalo na sa social media.

Ayon sa ad exec, may mga ahensiya pa rin na masyadong conscious pagdating sa imahe ng kanilang endorsers at mahigpit sila sa usapin ng moralidad.

Kaya ‘pag nalalagay sa hindi magandang sitwasyon ang celebrity endorser nila ay agad silang umaaksyon dahil ayaw nilang mabahiran ang iniingatang reputasyon ng kanilang produkto.

Malaking bagay ang imahe at kredibilidad lalo na sa mga wholesome, family-friendly brands kaya inaasahang mas maingat ang mga nag-eendorso nito.

Kabilang sa mga mahigpit pagdating sa morality clause ay ang mga produktong may kinalaman sa pagpapaganda.

May binanggit na dalawang aktres na nasangkot noon sa mga eskandalong pinag-usapan sa showbiz ang mabilis na iniligwak ng mga ahensya nang pumutok ang isyu sa mga ito.

Dapat magsilbing babala ito sa mga celebrity na maging maingat sa kanilang mga sinasabi at ginagawa dahil maaari silang mapahamak at mawalan ng endorsement dahil sa isang pagkakamali.

Isa pa lang ‘yung narinig namin, hindi namin sure kung may iba pang sumunod na nag-atrasang endorsements dahil sa mga naging pahayag ng young actress na negatibo ang impression sa publiko.

10 Responses

  1. Sabay-sabay nga ang commercials ni Nadine na ine-air sa tv kapag nanonood ako ng shows sa Kapamilya Network-Cornetto, Whisper, Ponds. Si beks Allan Diones, die-hard AlDub at Eat Bulaga publicist ‘yan.

  2. ke may bumibili ke wala, importante talaga sa mga ad agencies na ang mga endorsers nila ay may wholesome image, panahon pa ng kopong kopong ay ganyan na ang rules nila..

  3. Let’s say that the endorser has a big role or impact from the product they are endorsing and MOST of the people is looking after the model. But also please be reminded that who ever and whatever image of your endorser is/are and if it’s necessity, still they have to buy the product. And for sure, ARTIST will be fine afterwards facing the consequences for the reason that after all what happened, they still have their family to support & especial someone. I think that there are still some few artist at this time around choose to be true.

  4. No need to make it a blind item, Nadine Lustre and I think Pond’s and product. May epekto ba talaga sa buying public ang mga ganyan? Bibili ang mga tao lalo na kung necessity ang produkto, hindi dahil sa endorser.