Allan Diones
Naaliw kami na medyo na-weirdan sa nalaman namin na inisponsoran pala ng isang kontrobersyal na showbiz personality (KSP) ang pagpaparetoke ng ilong ng isang sweet young actress (SYA).
Siyempre lihim lang ito ng dalawa dahil ayaw din ni SYA na malaman ng lahat na gawa ang ilong niya at may nag-sponsor ng pagpapaayos nito.
Maaaring nagmagandang loob lang si KSP, pero posible ring nangialam ito sa ilong ng may ilong porke close-close-an sila before ni SYA.
Siguradong kay KSP nanggaling ang idea na magpatangos ng nose si SYA dahil kung si bagets lang ay hindi nito maiisip ang gano’n lalo pa nga’t may kamahalan ang ganu’ng procedure.
In fairness ay parang hindi naman ipinagsabi ni KSP na siya ang major sponsor ng nose job ni SYA.
Hindi lang namin sure kung significant ang naging pagbabago sa face ni SYA after the secret operation dahil ‘pag nakikita namin ito ay parang wala namang gaanong changes sa beauty nito.
Willing gumastos si KSP kung kinakaila­ngan para sa mga itinuturing niyang kaibigan. Mapa-cosmetic enhancement man ‘yan o kung ano pa man.
Ang dinig namin ay may isa pang female celebrity na inisponsoran ni KSP ang pagpaparetoke ng ilong, pero aalamin pa namin kung sino ito!