CYNTHIA! Sino itong aktres na win sa nakaraang election pero walang kaalam-alam na ang asawa niyang politician din eh may nakatagong lihim?
And of course, as they say, walang lihim na hindi mabubunyag. Sisingaw at sisingaw ang bantot.
Bago pa kayo mautot, heto na ang chika sa politician na dyowa ng aktres…
Meron itong sex scandal!
Kasama ang isang gandarang babae!
***
Problematic ang young actress sa mudra niyang pam-best actress ang acting.
Lungkut-lungkutan si young actress dahil Portugal (as in matagal) nang wah siya BF.
Iyung huli niya kasing dyowa, na-stress sa kanyang mommie dearest.
Makita lang ni mother dear na nag-uusap ang junakis niyang young actress at ang BF nito, kung anu-ano nang kalokahan at kagagahan ang ginagawa ni mama!
May himatay-himatayan na drama.
Naninikip ang dibdib!
Pumapalahaw ng iyak to the highest level!
Sinasaktan ang sarili!
Pati si BF, tinatalakitok!
At ang the height… Pinapili ni mudra ang pinakamamahal na daughter, “Mamili ka! Siya o akoooooo?”
And the winner is … si mudra pa rin.
Si BF, nganga.
Dahil sa mga sa ganoong eksena ni mudra na kabog si Jaclyn Jose sa pagka-best actress sa Cannes, si young actress… up to now, Cry Me A River.
Kinakatakutan na siyang ligawan ng mga boylet.
Si mudra, tawa na lang nang tawa. Maya-maya, mala-Dulce namang bumibirit, “Ako ang nagwagi…”
***
Ito namang magaling na aktres, nahihilig mag-stay sa palikuran (in English, comfort room).
Bakit kaya?
One day isang araw, sa taping ng isang TV show, nag, “may I go out” si actress.
Nagtaka ang kasama niya.
Bakit Portugal si madam sa CR eh kailangan pa siyang muk-apan at mag-change ng clothes?
39 minutes na si madam sa CR, hindi pa rin siya lumabas.
Waiting for Godot ulit… hanggang sa may lumabas ng usok mula sa CR.
Tarantula ang kasama ni madam. Nagsisigaw siya, “TULONG! HELP! SAKLOLO! SUNOG! SUNOOOGGG!”
Enter the dragon ang guardia civil, ginetsing ang Susie Wong sa CR & binuksan ang pinto.
Shocking Asia!
Galit si actress at Tillie Moreno pa sa pagtalakitok, “Bakit, anong problema?!” habang ang mga mata ay nakatirik.
CLUE: super sikat siya noon pero ngayon, pa-fade away na ang ningning ng bituin niya.