Tequila girl ang isang young actress sa katatapos na ABS-CBN Ball. Nasa mood magwalwal si young actress at tequila ang kanyang alcohol of choice.
Kapansin-pansin si young actress dahil balik siya nang balik sa bar para sa kanyang tequila fix.
Kung ang ibang aktres na mas matanda sa kanya ay behaved sa pag-inom at aura-aura lang nu’ng gabing ‘yon, si young actress ay lagok kung lagok ng hawak niyang alak.
Party nga naman ‘yon, so in full party mode si young actress na kayang lumaban sa walwalan.
Kasama ni young actress ang leading man niya nu’ng gabing ‘yon, pero kapansin-pansin na hindi sila chummy-chummy ni leading man.
Mas lovey-dovey pa sa party si leading man at ang isa pang aktres na kasama ni young actress.
‘Yung dalawa ang laging magkatabi at tamis-tamisan, habang si young actress ay ine-enjoy ang moment sa tulong ng unlimited tequila shot! PAK!!