tonite-pak-allan-diones

Usap-usapan ang kamalditahan ng isang kilalang young actress (KYA) na umiral ang hindi kagandahang asal noon pa ring nakaraang ABS-CBN Ball.

Kailangang maturuan si KYA ng good manners and right conduct dahil may kagaspangan ang ugali nito at may pagka-feelingera.

Ang nangyari kasi, bilang party ‘yon na nagkakasiyahan ang lahat at bumabati sa isa’t isa, lumapit sa lugar nina KYA ang isang female network executive (FNE) at buong ningning na nag-“Hi!” kay KYA.

Ang kapos sa tamang pag-uugali na si KYA, sa halip na bumati rin kay FNE ay buong ningning itong hiniritan ng, “And you are?!”

Pahiya ang babaeng exec sa naging sagot sa kanya ni KYA. Pero dahil edukada ito, may class at anak mayaman, sa halip na magreak ay tumalikod na lang si FNE at binalewala ang walang modong sagot sa kanya ni KYA.

In fairness ay may pagka-low profile kasi si FNE at hindi mahilig pumiktyur sa mga ganap ng kanyang home network.

Mas identified din si FNE bilang partner ng isang bigating executive ng istasyon, but she is powerful in her own right at mahalaga rin ang kanyang posisyon.

Nirerespeto at ginagalang si FNE ng pinakamalalaking artista ng network dahil hindi siya basta-basta lang. So, para bastusin siya nang ganu’n ni KYA ay hindi katanggap-tanggap.

Pinag-uusapan na ng mga taga-network ang unpleasant experience na ‘yon ni FNE kay KYA, so tiyak na nakarating na rin ito sa kaalaman ng kanyang partner na bigatin ang posisyon sa istasyon.

Curious kami kung anong reaksyon ng nasabing executive, pero dahil alam naming mataas din ang pinag-aralan nito gaya ni FNE ay malamang ipinagkibit-balikat lang nito ang nangyari.

Actually, kung makakarating ‘yon sa mga anak-anakang artista ni FNE na parang nanay na ang turing sa kanya, tiyak na maiimbiyerna ang mga ito sa malditang si KYA na akala mo ay kung sino.

Dahil doon ay N.U.R. Girl na ang tawag kay KYA na ang feeling yata sa sarili niya ay isa siyang pagkalaki-laking celebrity.

Sa tinagal-tagal niya sa network na ‘yon, dapat ay kilala na ni KYA kung sino-sino ang mga bossing na dapat niyang bigyan ng kaukulang paggalang.

O baka naman ‘yun talaga ang totoong pagkatao ng hitad, na hindi katulad sa ugali ng nobyo niyang mabait at maganda ang PR!

AlDub wala nang ‘spark’

Katatapos lang ng homecoming event nina Alden Richards at Maine Mendoza kasama ang kanilang loyal AlDub Nation fans nang kumalat ‘yung video at pic nina Maine at Arjo Atayde na magka-date sa BGC.

So, ‘yung mga hanggang ngayon ay hoping-hopia pa rin sa AlDub, parang biglang nagkaroon ng reality check dahil nagdudumilat ang katotohanan na may personal na buhay si Maine at ibang lalaki ang dine-date nito, hindi si Alden.

In fairness sa ibang loyal ADN, unti-unti na nilang tinatanggap ang katotohanan na parehong single sina Alden & Maine at libre silang makipag-date sa kung sinong gusto nila.

May mga ibang pumupuna na bakit daw ang dalas gumimik sa mga bar ni Maine at parang ang hilig nitong uminom, pero may mga nagtatanggol din na nasa tamang edad na ito at normal ‘yon sa mga ka­tulad nito.

Nabanggit noon ni Alden na gusto na niyang magka-lovelife, so siguro naman ay hindi magrereak ang fans ‘pag siya naman ang nakitang nakikipag-date.

Actually, sa mga picture nila together doon sa ADN event ay napansin namin na parang nawala na talaga ‘yung spark ng AlDub at tila mas okey na sila sa kanya-kanya nilang buhay.

Real talk. PAK!!

***

Sakses ang pa-event ni Wilson Lee Flores na 4th ‘World Pandesal Day’ nu’ng October 16 na ginanap sa ruins ng nasunog Kamuning Bakery sa QC na pag-aari niya.

Dinagsa ng mga tao ang 70,000 pandesal at iba pang pagkain na ipi­namudmod ng writer, teacher at realty entrepreneur na si Wilson, na naisipang i-revive ang 79-year-old bakery nu’ng 2014.

Kahit nasunog ito nu’ng February 6 at ‘yung mga pugon lang ang natira, naniniwala si Wilson na makakabangon ulit ang sikat na bakery at muling tatangkilikin ng publiko. Mga anim na buwan daw ang aabutin ng pagpapagawa nito, sabi niya sa amin.

Ipinagmamalaki ni Wilson na kabilang sa showbiz personalities na naging suki ng Kamu­ning Bakery na nagbukas nu’ng 1939 sina Gloria Romero, Susan Roces, Bibeth Orteza, Ryan Ca­yabyab at marami pang iba.