Ang tadhana nga naman mapag­laro. Sino itong young actress na imbiyerna to the max dati sa isa sa leading man niya sa isang serye?

To the point na nagtanong siya sa management na wala na bang ibang puwedeng ipalit.

Wala naman nagawa si young act­ress para matanggal ang aktor dahil kasado na ang casting.

Few months after sinong magsasabing magnobyo na ang dalawa.

Na-in love na si young actress dahil unang nakasundo ni aktor ang magulang niya kaya naman botong-boto ang mga ito sa kanya.

Hindi magka-loveteam ang dalawa kaya hindi ganu’n kalantad ang relas­yon nila bukod pa sa ang network ay hindi sila suportado. (Mildred Bacud)