YOUNG actress na atti (short for attitude), nagmukhang tanga sa isang event.
Maganda siyang talaga, in fairness. Nasa lahi yata nila ang pretty girls.

Umaapila naman ng ibang beki. Matapang daw ang fez ni young actress na para bagang galit lagi at nakairap.

May naging movie siya pero certified flopsina. Sa TV, WAH rating gaya ng huli niyang show na shigok agad sa ere.

Sa katatapos lang na event, ka-join si young actress with two other pretty young actress na kasabayan niya.

Sing & danz sila. Hindi nagpakabog si atti, este, ate. Ayaw rin niyang magpa-picture sa mga faney.

Irap pa nang irap at ayaw magpa-kiss sa mga majijingay na fanchita alba.
Dahil sa kaka-emote at pagsusuplada ni ate, gumanti ang fans.

After ng show, may picture-picture at pirma-pirma sa stage kaya pu­mila na ang fanatics.

Start na…. aba! WAH masyado nagpapa-autograph kay supladita. Konti lng ang nagpapa-pix sa kanya.

Samantalang ‘yung dalawa pang dalagin­ding ay dinumog ng mga utaw.
Nagkagulo ang mga security guard. Super bantay ang mga sekyu sa dalawa.

Si attitude, nagmukahang engot.
Naitulak siya ng mga nagsisigawang fans.

Ang ginawa ni ate, bumaba ng stage at buma­lik na sa dressing room.

One Response