GRABE pala sa pagka-generous ang young actress na ito sa kanyang ka-loveteam na rumored boyfriend na niya, huh!

Noong mag-birthday si aktor, isang mamahaling rubber shoes ang iniregalo ni young actress.

Hindi basta-basta ang presyo ng rubber shoes na ‘yon, kaya pinayuhan ng isang ka-close niya si young actress na hindi dapat nagbibigay ng ganoon dahil hindi matrona ang peg niya at napakabata pa niya!

Sabi-sabi pa, mukhang in love na talaga si young actress kay aktor.
Kahit nagka-issue noon ang ka-loveteam sa isa pang aktres, hindi pinabayaan ni young actress ang kanyang rumored boyfriend pagdating sa issue na ‘yon.

Sino si young actress?
Kapangalan siya ng isang Hollywood actress na sinasabing gay icon!

***

Maganda ang attitude ni Piolo Pascual na hindi patulan ang kanyang bashers.

In fairness, wise rin si Piolo dahil alam niya na kapag nagsimula siyang pumatol sa fans, lalo na sa mga walang magawa na nilalagyan ng malisya ang litrato nila ng anak na si Iñigo Pascual, tiyak na wala nang katapusan ‘yon at kung saan-saan na mapupunta ang pamba-bash sa kanya.

Kahit sa entertainment press, never na nagpakita ng galit si Piolo kahit doon sa mga nag-i-insinuate ng kung anu-ano tungkol sa kanyang pagkatao.

Work lang nang work ang aktor. Dahil mabait at ma-PR si Piolo, ang karamihan sa mga nag-iinterbyu sa kanya ang nahihiya pa na tanungin siya tungkol sa mga naglalabasang intriga.

May kakaibang charm si Piolo, kaya kahit sinasabing hindi siya generous at hindi mahilig mag-share ng blessing, still, marami sa entertainment press ang may gusto sa kanya.

***

Hindi lang hanggang sa shows nila may tapatan ang ABS-CBN at GMA 7 ngayon pagdating sa ratings, huh!

Pati sa coverage ng SONA ni Pres. Rodrigo Duterte ay may “bangayan” ang dalawang top TV network ng bansa!

According to Kapamilya network, sa TV man o online ay mas pinagkatiwalaan ng mas maraming mga kababayan natin ang komprehensibo at malawakang pagbabalita nila sa unang SONA ni Pres. Digong.

Ang basehan nga nila ay ang data mula sa Kantar Media dahil nakakuha sila ng 21.5% sa national TV rating para sa Pangako ng Pagbabago: SONA 2016 special coverage kumpara sa DU30 Unang SONA ng GMA 7 na nakakuha lang ng 14.8%.

Pagdating sa digital, pinakamaraming views daw ang live na pagpapalabas sa Facebook ng ABS-CBN News ng SONA na nakapagtala ng 1.7 million views, higit sa 510,000 ng Kapuso network.

Naka- 7.6 million page views ang website ng ABS-CBN News noong araw ng SONA.
Ipinagmamalaki rin ng ABS-CBN na ang mga video nila na tungkol sa SONA ay umani ng 1.4 million views sa YouTube.

3 Responses