Cristy Fermin
Nabulabog ang mga tagasuporta ng isang kilalang loveteam. Kumalat kasi ang balita na hiwalay na sila hindi lang sa mga gagawin nilang proyekto kundi maging sa totong buhay.
Natural lang na maging malungkot ang kanilang mga fans, pangarap ng mga ito na hanggang sa dulo ay maging sila pa rin sana, pero mukhang mauunsiyami ang kanilang kagustuhan.
Kuwento ng aming source, “Mukhang bumigay na ang pasensiya ng girl, hindi na niya kinaya ang sobrang pagiging seloso nu’ng young actor. Matindi kasi ang insecurity nu’ng lalaki.
“Kuwento ng mga friends nu’ng girl, e, masyado na raw siyang nasasakal, parang wala na siyang sariling buhay, kasi nga, e, masyadong seloso ang boyfriend niya.
“E, ‘yung girl pa naman, kilala ang family nila sa pagiging freedom lovers, ayaw nila nang nililimitahan ang galaw nila, ‘di ba?” simulang kuwento ng aming impormante.
Nakakatawa nga ang kuwento na kapag umaalis daw ng bahay nila ang young actress ay punumpuno ng damit ang kanyang sasakyan. Wala siyang taping, magkikita lang sila ng kanyang boyfriend, pero bakit nga ba marami siyang kargang damit sa van niya?
Kuwento uli ng aming source, “Kasi nga, baka hindi type ng boyfriend niya ang suot niya. So, para wala nang argumento, ‘yung guy na lang ang pinapipili ng girl sa mga dala-dala niyang outfit sa van!
“Ganu’n pala siya ka-conservative? Ganu’n pala siya kahigpit? Kaya naman pala laging armado ang girl kapag magkikita sila ng guy, nakakaloka ‘yun, ha?
“Sabi ng mga kaibigan ng girl, e, ‘yun daw siguro ang hindi na kinaya ng girl, sobrang seloso naman pala kasi nu’ng young actor na ‘yun! Sobrang insecure siya, e, ang galing-galing nga niyang umarte, ‘di ba?
“Naku, siguradong nag-iiyakan na ang mga fans nila ngayon,
nakakapanghinayang naman kasi talaga kung totoo ngang break na sila,” madiing pagtatapos ng aming source.
Aiko ‘di kayang
hiwalayan ng dyowa
At muling nagtagumpay ang pagmamahalan. Ganu’n inilalarawan ng marami ang pag-iibigan nina Vice-Governor Jay Khonghun at Aiko Melendez.
Hindi itinago ng magandang aktres na pagkatapos ng halalan ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng bagong halal na vice-governor ng Zambales.
Umalis siya kasama ang kanyang mga anak, pero kinabukasan lang ay gumawa agad ng paraan ang pulitiko na magkausap sila ni Aiko, wala itong sinayang na panahon at sumunod agad sa Amerika.
Napakahaba ng buhok ni Aiko Melendez! Hindi siya natiis na mawalay ng kanyang boyfriend. Naisip siguro ng pulitiko na napakalaki ng ipinuhunang pagod ng aktres para sa kanyang kandidatura, halos sa kanilang probinsiya na nakatira si Aiko, pagkatapos ay ganu’n lang ang kahihinatnan ng kanilang relasyon?
Si Aiko pa ba naman ang hahamunin ni Vice-Governor Jay? Ilang beses na ba siyang dumapa at buma-ngon sa pakikipagrelasyon? Sanay na sa boksing ng buhay ang aktres.
Angel ayaw
magpa-double
Mahal na mahal ni Angel Locsin ang kanyang trabaho.
Bibihira ang tulad niya na totoong buwis-buhay kapag tumatanggap ng proyektong pagbibidahan niya.
Siya talaga ang gumagawa ng mga stunts na kailangan sa eksena, ayaw niyang nagpapa-double, dahil hindi siya nakukuntento kapag hindi siya ang sumasalang sa eksena.
Pero sana’y laging maisip ni Angel na iisa lang ang kanyang katawan.
Kapag napuruhan siya ay wala nang kapalit ‘yun. Kung puwede namang ipagawa na niya sa iba ang isang delikadong eksena ay ipaubaya na niya sana.
Wala na siyang kaila-ngan pang patunayan, sukat na sukat na ng manonood ang kanyang husay sa pagganap, unahin niya na muna ang kaligtasan ng kanyang buhay kesa sa anupaman.
Ang galing-galing ni Angel Locsin sa The General’s Daughter at napakaganda niya kapag nakapusod lang at walang gaanong makeup.