Mahilig ding mag-emote ang isang young female personality na maligalig ang lovelife. Napakabata pa niya pero nasasangkot na siya sa mga kontrobersiyal na isyu tungkol sa pakikipagrelasyon.
Bubot pa siya kung tutuusin sa usapin ng pag-ibig pero bumibida na siya sa mga kuwentong parang hindi nababagay sa kanyang edad.
Komento ng isang source, “Palagi ring nakatanghod sa mga gadgets niya ang babaeng ‘yun! Emotera! May mga pahaging siya sa kung sinu-sino, ginagaya niya ang isang female personality na sangkatutak din ang hugot sa buhay!
“Kapag ganyan nang ganyan ang babaeng ‘yun, e, walang mangyayari sa pakikipagrelasyon niya! Bakit hindi niya harapin nang personal ang pinatatamaan niya sa mga posts niya?
“Komprontahin niya, hindi ‘yung ganyan na kung anu-anong emote ang ginagawa niya! Nag-umpisa siyang magkaganyan nu’ng i-post niya ang pananakit kuno nang pisikal sa kanya ng boyfriend niya!
“Sagana siya sa mga posts, puro patagilid ang mga sinasabi niya, kuwento siya nang kuwento, e, wala namang kuwenta!” inis na komento ng isang source.
Sayang, maganda pa naman ang young female personality na ito, nakakaarte rin siya pero masyado na siyang umaarte ngayon.
“Sino pa ang manliligaw sa kanya kapag ganyan ang pinaggagagawa niya? Pagkatapos ng relasyon, e, marami siyang kuda, patama siya nang patama, diretsuhin na lang kasi niya!
“Sinusundan ba niya ang yapak ng isang female personality na palaging may hugot sa lovelife niya? Baka naman ang idolo niya, e, ‘yung isang pamosong female personality na walang nasasabing maganda tungkol sa mga exes niya?
“Naku, ha? Lumayo muna siya sa kanyang gadget, matulog muna siya nang mahimbing, para mahimasmasan siya! Para pa namang doll ang itsura niya!” pagtatapos ng aming impormante.
Mga promoter nabuwisit sa pagmumura
JK bawal na sa campaign, fiesta
Ngayon mararamdaman ni JK Labajo ang matinding epekto sa kanyang singing career ng ginawa niyang pagmumura sa harap ng publiko. Minarkahan siya du’n ng ating mga kababayan.
Dalawang show promoters na ang nakapagkuwento sa amin na tinatanggihan si JK Labajo sa listahan ng mga artista-singers na dadalhin dapat nila sa probinsiya para sa kampanya at fiesta.
“Sayang, sikat na sikat pa naman ngayon ang kanta niyang Buwan. Kahit saan, e, kinakanta-kanta ‘yun ng mga bata, palaging nakapila ang song niya sa mga videoke, pero binubura siya sa mga listahan ng mga kumukuha ng mga artista!
“Pinapipili kasi ng mga promoters ang committee kung sinu-sino ang gusto nilang mag-entertain sa kanilang fiesta. Kapag nakita na ang name ni JK, ang sasabihin agad ng pumipili, ‘Ayaw namin sa kanya, baka murahin din niya ang mga constituents namin!’
“Ang ganitong panahon pa naman ang pambawi ng mga artista at singers. Ilang kanta lang, saka kaway-kaway, ilampung libo na ang talent fee nila!” opinyon ng aming source.
Matatanggap din sana ng marami ang inasal ng male singer kung agaran ay nagpakumbaba siya sa kanyang pagmumura. Pero baligtad kasi ang naging atake ni JK Labajo, inupakan pa niya ang mga hindi nagkagusto sa kanyang pagmumura, idinepensa pa niya sa maling paraan ang kagaspangan ng ugali na ipinakita niya.
Isang malaking festival ang malapit nang ganapin kung saan sana nababagay ang kantang Buwan ni JK, pero tinanggihan din siya ng komiteng humahawak sa programa, dahil sariwa pa sa kanilang isip ang ginawang pagmumura nang ilang ulit ng young singer na kumalat na parang apoy.
Sabihin na nating hindi niya naman kailangang pagurin ang kanyang sarili sa pagtanggap ng mga shows dahil hindi naman siya nagugutom at maykaya ang kanyang pamilya.
Pero ang pagkakataong makapag-ikot siya sa maraming lugar sa Pilipinas ay isang oportunidad na gustung-gusto ng mga artista at singers.
Kumikita na kasi sila ay tumatatak pa ang kanilang pangalan sa publiko. ‘Yun ang nakap
anghihinayang na humulagpos sa mga palad ni JK
Labajo.