Young tinapakan ang Spurs

Isang puntos lang ang kinaya ni Trae Young sa first half, pero pagdating ng second ­nakuha ang ritmo at nagpasabog ng 28 pa para giyahan ang ­Atlanta Hawks sa ­108-100 panalo kontra San Antonio Spurs ­Martes nang gabi.

Nagpahinga ng isang laro si Young dahil sa ankle sprain, sa fourth ay inatake ang Spurs at naitawid ng Hawks ang unang laro na wala si John Collins, sinuspinde ng NBA ng 25 games dahil sa pagpositibo sa growth hormone.

Umiskor ng 22 si ­DeMar DeRozan, 17 si Bryn Forbes at 16 kay Patty Mills sa Spurs.

Sa isang play, ­pinakitaan ni ­6-foot-1 Young ng dribbling ­prowess si 6-11 ­LaMarcus Aldridge bago binigyan ng matulis na pasa ang pa-cut na si DeAndre Bembry tungo sa dunk, 95-88 Hawks 4:52 pa.

Namigay si Young ng 13 assists.

Muling naghiyawan ang crowd nang magbaon ng 3 mula sa right corner si Young tapos ay bumagsak, para sa ­104-96 edge 2:11 pa.

Abante ng walo ang Spurs papasok ng fourth pero na-outscore 38-22. May 16 points sa final 12 minutes si Young na 5 for 10 mula sa labas ng arc.

Third-best sa NBA rebounding ang Spurs, pero tinalo sila ng Hawks sa boards ­48-41. ­Kumalawit ng 12 ­rebounds si Trey Lyles sa San ­Antonio. (VE)