Espesyal na bisita ang mga protagonista sa nalalapit na pinale ng Copa Paulino Alcantara o Philippine Football League Cup sa lingguhang edisyon ngayon ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Tapa King Restaurant sa Farmers Plaza Cubao, Quezon City.
Darating ang mga player at official ng Davao Aguilas Football Club at Kaya FC, alas-11:00 ng umaga para sa media sports program upang talakayin ang kanilang mga tsansa sa title series na sisipa sa Oktubre 27 sa Rizal Memorial Stadium sa Malate, Manila.
Sina National team stalwart Phil Younghusband at assistant coach Leigh Manson ang mga kakatawan sa Davao, samantalang sa Kaya FC si Jing Jamlang sa sesyon na mga hatid ng San Miguel Corporation, Tapa King, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).