Younghusband lalaki ang panganay

Younghusband lalaki ang panganay

Magiging daddy ng isang baby boy si dating football star Phil Younghusband matapos ang kanilang ginawang gender reveal party.

May halong football ang naging gender reveal ng mag-asawang Phil at Margaret kung saan sumipa ang dalawa ng bola target ang crossbar at dito na lumabas ang kulay asul na confetti na senyales na isang baby boy ang nasa sinapupunan ng huli.

Caption ni Younghusband, “It’s a boy! What a wonderful evening it was discovering the gender of Baby Younghusband with family and friends.”
Disyembre nitong nakaraang taon nang i-annouce ni Younghusband ang balitang magiging parents na silang mag-asawa. (JAT)