Nagretiro na sa football ang Fil-British striker na si Phil Younghusband.
Kilala si Phil bilang isa sa mga nagdala ng Philippine Azkals matapos niyang irepresenta ang bansa sa iba’t ibang torneo.
Inihayag ng 32-anyos na football player ang kanyang pagreretiro sa kanyang Instagram account.
“Hanging up my boots! Thank you to my bosses, my coaches, teammates, competitors and all the supporters who have been part of my journey. See you all soon in a new adventure,” sabi ni Younghusband.
Naglaro ng 108 international matches kasama ang ginawa niyang history sa Pilipinas taong 2010 na binansagang ‘Miracle in Hanoi’.
Kabilang rin siya sa makasaysayang pagpasok ng bansa sa AFC Cup taong 2018.
Hawak ni Phil ang record sa bansa bilang top goal scorer matapos gumawa ng 52 goals at siya lamang ang nag-iisang Pinoy na may 50 pataas na international goals na naitala. (Aivan Episcope)