Sa social media ay sikat na sikat ang isang grupo ng mang-aawit. Milyon-milyon ang mga view ng kanilang mga video sa YouTube.

Kaya kampante ang isang baguhang concert producer na titiba siya sa unang produce niyang concert. Kinuha niya ang nabanggit na grupo.

Ang katwiran ng producer, since milyon-milyon ang mga view ng mga video ng grupo, kahit one percent lang sa mga ito, apaw-apaw na ang venue at kukuyakuyakoy na lang siya. Magbibilang na lang ng kanyang kita afterwards.

Ito na, dumating na ang araw ng concert. Biglang nanlumo ang producer dahil kakaunti lang ang nanood. Ni hindi nangalahati sa capa­city ng venue to think na hindi ito kalakihan.

Pero in fairness, magaling talagang mag-perform ang grupo at ‘yung mangilan-ngilang mga millennial viewer ay ang iingay-ingay pa rin.

“Akala ko ba sikat na sikat ang grupong ‘yan, bakit nanga­ngalahati ang mga otaw na nanood sa kanila? Kaya tigilan ako d’yan sa views na ‘yan sa YouTube. Hindi ‘ yan talaga assurance na dudumugin sila sa kanilang mga pagtatanghal lalo na kapag may bayad,” pagmamahadera ng isang writer/director na nanood.

Isa pa sa ikinaloka ng writer/director, pagkatapos ng concert ay inaba­ngan niya ang grupo sa labas kasama ang mangilan-ngilang nanood na gustong maki­pag-selfie sa grupo pero ni isa ay wala silang pinagbibigyan, dire-diretso sila at animo’y walang nakita’t narinig.

Sino ang naturang grupo ng mang-aawit? Naku, itanong na lang natin sa mundong napakalupit.