Tulad ng marami sa common tao, kasangga rin ngayon ni LeBron James ang Youtube nitong mga nagdaang araw.

Walang NBA, may paraan din si The King para hindi mabagot habang nagpapalipas-oras.

Huwebes ng gabi, ikinasa ni James ang una niyang Instagram Live video.

Habang nakikipaglaro ng baraha sa asawa at tatlong mga anak, maya’t maya ay game siyang sumagot sa ilang tanong ng followers.

May nagtanong kung kaninong highlights ang pinapanood niya habang walang basketball at bawal lumabas dahil sa coronavirus disease.

Hindi ikinaila ng three-time champion na binabalikan niya ang sarili niyang highlights.

“My own … everybody watches Kobe obviously. KD, Jordan, … Shaq,” litanya niya. “That’s just to name a few.”

Sina dating Los Angeles Lakers greats Kobe Bryant at Shaquille O’Neal. Siyempre pa ay kasali ang pinagdedebatehan ng fans na kaagawan niya sa titulong ‘greatest of all time’ na si Michael Jordan.

Ang aktibo namang player na binanggit niyang pinapanood ang highlights ay si Kevin Durant ng Brooklyn Nets. (VE)