Standings W L
Gen. Trias 3 0
Manila 1 0
San Juan 3 1
Binangonan 2 1
Parañaque 2 1
San Mateo 2 1
Bulacan 2 1
Quezon City 1 1
Pasig 1 2
Malabon 1 3
Rizal 0 1
Nueva Ecija 0 2
Rizaba 0 4
Marikina x x

Sumandal sa depensa sa endgame ang Manila Sausage Kings bago tuluyang patiklupin ang Pasig 95-89 para sa unang panalo sa Community Basketball Association (CBA) Founder’s Cup Sabado sa General Trias Sports Complex sa Cavite.

Bayani sina Mark Christian Yu at James Marangan nang ma-iswak ang huling limang puntos.

Umariba ang Pasigueño sa fourth canto matapos nitong uminit tungo sa 17-8 run para mabura ang 72-82 na bentahe at irehistro ang 89-90 na iskor may 25 segundong natitira.

Nanguna sa Manila si Arben Dionson na may 25 puntos at may sahog na 14 rebounds habang umayuda naman si Yu ng 22 puntos, 13 puntos si Alnel Orquinax at may 10 puntos si Wowie Escosio.

Pumutok naman ng 19 na puntos si Martin Fajardo sa Pasig, na ngayon ay natikman ang ikalawang talo sa tatlong asignatura.

Nilampaso naman ng General Trias Braves ang Rizal Raptors, 100-64, para sikwatin nito ang ikatlong sunod nitong panalo at solo lead sa torneo.

Nagsabwatan sina Haddi Porto, Chester Melencio, Jonathan Rivera at Allan Evangelista at may pinagsama itong 52 puntos para sa Braves.

Ito naman ang ikaapat na sunod na talo ng Rizal na binandera ni Alvin Se na pumoste ng 15 puntos at 12 rebounds.