Hiniling ni Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo sa kanyang mga fan na i-report and kumakalat na pekeng account niya sa Twitter na @carlos_yulo.
“Hi Twitter people, this is my official twitter account,” pahayag ni Caloy sa video na pinost sa kanyang official handle na @c_edrielzxs. “Please report, unfollow and block dummy accounts.”
Kasalukuyang may 47,000 followers ang nasabing fake account at asam naman niya na ma-suspend ang dummy account upang ‘di na lumaki pa at baka magamit pa sa ‘di mabuti.
Sumikat ang 19-anyos na top Pinoy gymnast nang makapag-uwi ng medalyang ginto sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championship sa Stuttgart, Germany nitong Oktubre.
Naging maingay ang pangalan niya sa mga Pinoy at laganap rin ang mga paggawa ng pekeng account.
Patuloy na humahakot ng ginto si Caloy sa PH 30th Southeast Asian Games 2019. (Aivan Episcope)