Yummy na dyowa kinainggitan kay Yam

Yummy na dyowa kinainggitan kay Yam

Five years na pala si Yam Concepcion at ang non-showbiz boyfriend niyang si Miguel CuUnjieng.

In fairness ay nagwu-work ang LDR nila kahit based sa New York si Miguel at nandito sa ‘Pinas si Yam.

“Siguro sa age na rin, sa maturity, sa foundation naming dalawa. Okey siya eh, very secure na tao kasi siya, eh.

“At saka very supportive, alam mo ‘yon? Parang wala akong maiisip na bad word tungkol sa kanya. He’s just really mabait na tao. Ang bait, sobrang bait,” masayang bulalas ng 31-anyos na Viva star nang matsika namin siya kahapon sa presscon ng horror movie na “Night Shift”.

Nito lang holiday season ay nagpunta rito si Miguel, tapos ay nagbakasyon sila sa Hawaii kasama ng pamilya nito.

Base sa mga post nila sa social media ay parang parte na ng CuUnjieng family si Yam. Bilang limang taon na sila, puwede kayang papunta na ito sa kasalan?

“Puwede. Depende. Sana. Huwag nating i-jinx,” natatawang pakli ng dalaga.

So, paano eh nandito siya, tapos ay nasa Amerika ang boyfriend niya?

“Eh kasi, sayang ‘yung momentum ngayon, eh. Maganda ‘yung takbo ng career natin. So, let’s just focus on that first. Darating din ‘yan kung darating.”

Very supportive daw sa showbiz career ni Yam si Miguel at excited na raw itong manood ng “Night Shift”.

‘Yung teleseryeng “Halik” dati ni Yam ay ayaw niya raw ipapanood sa nobyo niya lalo na ‘yung intimate scenes dahil baka magselos lang ito. Pero itong horror movie ay puwede dahil mahilig din itong manood ng horror.

Sa environmental team ng Wells Fargo sa Amerika nagtatrabaho ang hunky boyfie ni Yam. Hopefully by mid-2020 ay dito na raw ang BF niya for good.

Maraming nainggit kay Yam sa pinost niyang topless beach photos ni Miguel sa Maui dahil ang yummy ng boyfie niya.

“Sobra, ang sarap!”

At keri nitong makipagsabayan sa kaseksihan niya, ha?

“Wow. Ako ‘yung kailangang sumabay sa kaseksihan niya. Baligtad yata. Ha! Ha! Ha!”

Paano ‘pag ganu’n ka-hot ang jowa, hindi ba habulin ng girls lalo na at malayo siya rito?

“Hindi, parang minsan kasi, dyina-judge natin ‘yung tao na ‘yung ganyang itsura, parang chickboy ‘yan. Pero very far from kung paano ko siya kilala.

“Kasi, grabe ‘yung morals niya, values niya, sobrang galing ng pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya.”

Sakaling mag-propose sa kanya si Miguel anytime this year, ready na ba siya?

“Am I ready? Manood muna tayo ng ‘Night Shift’! Ha! Ha! Ha! ‘Pag ano, depende!” natatawang sagot ni Yam.

‘Contained cerebral horror’ ang description na Yam sa “Night Shift” na morgue ang setting at sa loob ng isang gabi lang ito naganap.

Excited nang mapanood ito ni Yam dahil first time niyang mag-horror. Matatakutin daw siya, pero mahilig siyang manood ng horror films.

Sa January 22 ang showing in cinemas nationwide ng “Night Shift” from Viva Films and Aliud Enterainment, directed by Yam Laranas.

Kiray ‘di tumikim ng sex sa ex

May dayalog si Kiray Celis na ibinigay niya ang lahat sa kanyang ex-boyfriend, pero naghiwalay pa rin sila at nagpa-buy out siya sa negosyo nilang dalawa.

Ayon kay Kiray, hindi kasama roon sa ‘lahat’ na ibinigay niya sa first BF niya ang kanyang puri.

Ang ibig daw niyang sabihin doon ay hindi siya into business pero pinasok niya ang pagnenegosyo dahil sa ex niya.

Hindi raw ito pumapasok sa mundo niya, siya raw ang pumapasok sa mundo nito. Wala raw halong kabastusan ‘yon.

So, sa 3 years nila ng first boyfie niya, as in walang nangyari at never umabot sa gano’n?

“Wala talaga. Malakas po ‘yung mens ko ngayon,” kaswal na hirit sa amin ng komedyana, na kasali sa opening salvo ng Regal Films na “D’Ninang”.

Ang claim niya last time ay virgin pa siya, ‘di ba?

“Until now. I’m very, very happy. Hoy, hindi naman porke nag-boyfriend ka, eh maggaganu’n na kayo.

“Hindi naman kailangan ‘yon. Hindi naman lahat ng tao, hinihiling ‘yon. ‘Yung ibang tao, marespeto talaga,” bulalas ng petite na dalaga.

“Ayoko pa!” ang sagot ni Kiray pagdating sa usaping sex.

Mabilis siya naka-recover sa ex niya dahil may kapalit na agad ito. Super happy raw si Kiray sa bago niyang nobyo na si Stephan Estopia, na kaibigan ng kapatid niya at kalaro niya ng Mobile Legends.

“He is the one. The one and only,” agad ang mga statement ni Kiray patungkol kay Stephan dahil marespeto raw ito at sobrang love ang parents niya.

Aminado si Kiray na mabilis siyang naka-move on, pero hindi raw siya maharot. Habang sila pa raw kasi nu’ng first niya ay nagmu-move on na siya.

Tarayy, may mga ganu’ng hanash si Kiray, huh!

25-anyos na si Kiray, pero sampung taon pa raw bago siya magpapakasal. 3 years older siya sa BF niya na bukas, January 13, ang kanilang first monthsary.

Sina Ai Ai delas Alas at Kisses Delavin ang bida sa comedy movie na “D’Ninang” na sa January 22 ang showing sa mga sinehan, mula sa Regal Films at direksyon ni GB Sampedro.