Zaldy Ampatuan ibalik sa selda

Hiniling ng state prosecutor na ibalik na sa kulungan ang isa sa utak ng malagim na Maguindanao Massacre na si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Zaldy Ampatuan upang hindi makatakas sa nalalapit na promulgasyon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC).

Si Ampatuan ay kasalukuyan pa ring naka-confine sa Makati Medical Center, kaya naman bago umano ilabas ang hatol laban sa kanya at sa may 198 akusado sa darating na Disyembre 20, ay kailangan na umano itong ibalik sa kaniyang kulungan sa Camp Bagong Diwa, Taguig

Ang ex-ARMM governor, at ang kapatid na si Andal Jr. ang siyang mga pa­ngunahing akusado sa pamamasalang sa may 58 katao, kabilang ang 32 mamamahayag na kasama sa convoy ni Esmael ‘Toto’ Mangudadatu na noon ay maghahain sana ng kaniyang certificate of candidacy para sa pagka-gubernador kung saan ay magiging katunggali ni Ampatuan.

Base sa liham ng Department of Justice prosecutors, nababahala umano sila na ang pananatili ni Ampatuan sa hospital na sinasabing patuloy na sumasailalim sa ‘physical and occupational therapy’ ay maging oportunidad nito upang makatakas. (Dolly Cabreza)