Zambo ambush, 3 sugatan

gun-and-bullet

ZAMBOANGA CITY — Sugatan ang isang negosyante at anak nito, gayundin ang isang kamag-anak matapos silang ratratin ng mga ‘di kilalang salarin sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao.

Sinabi ng pulisya na tinambangan ng mga armado ang sasakyan ni Jimmy Soledad kamakalawa ng gabi. Sugatan ito at mga kasama sa naturang atake, ngunit hindi pa mabatid kung sino ang nasa likod nito.

Nakatakas ang mga salarin bago pa man dumating ang mga parak at sundalo. Nabatid na galing sa Cotabato City sina Soledad at pauwi na sana nang sila ay tirahin sa Brgy. Rebuken.